GOV. ROQUE B. ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY INC
SOLSONA,
ILOCOS NORTE
MGA
KATUTUBO AT PAGKAING PINOY
Inihanda nina:
JAMAICA JOY C. ALEJANDRO
CRYSHA ALYKA B. LADERA
KYTH MELODY ABRIGO
JUSTINE
GRANDE
Ipapasa kay:
Bb. ARVIN MAY F. RAMOS
OCTOBER 14, 2019
Ang mga Pilipino ay may mayamang kultura na nagsimula
pa bago dumating ang mga Kastila. Ang mga sinaunang Pilipino ay may magagandang
mga tradisyon at pag-uugali noon na maaaring nailipat sa kasalukuyang
henerasyon o tuluyan ng nawala sa lipunan. Sa kabali nito, nananatiling mayaman
ang Plipinas sa kulturang kinagisnan nito. Isa sa mga malalaking bahagi ng
kulurang Pilipino ay ang pagkain. Ang pagkain ay isa sa pinakamahalagang
pangangailangan ng tao upang mabuhay. Sa makatuwid ang kapaligiran ng tao ay nakaaapekto
sa uri ng pagkain ng mga tao sa lugar na iyon. Sa pagkaing Pilipino, sapat na
ang kanin at ulam na maaaring gulay, isda o lamang dagat at karne upang
maitawid ang pamilya sa gutom. Tayong mga Pilipino ay mahilig talaga sa iba’t ibang barayti ng pagkain.
Hindi natin makakalimutang hanapin ang mga pagkain kung saan para sa atin ay
komportable sa ating panlasa. May isang pagkain tayo na hinding-hindi mawawala
at makakalimutan dahil sa sarap nito na inihanda ng iba’t ibang mga lokal na probinsya dito sa
Pilipinas. Iilan sa mga probinsya dito sa Pilipinas ay ipinagmamalaki ang kanilang bukod tanging kakanin, ang iba naman
ay makikita natin na binebenta sa mga palengke. Ito ang nagsisimbolo kung gaano
kalapit ang mga pamilyang Pilipino. Isa sa mga paboritong meryenda ng mga
Pilipino ay ang kakanin. Ang kakanin ay may mahalagang bahagi at parte na sa
kultura ng mga Pilipino. Ang kakanin ay ilan lamang sa mga sikat na Filipino
native delicacies. Ang kakanin ay hango sa salitang “kain” (to eat) at
“kanin” (rice). Ito ang paboritong panghimagas ng mga Pilipino na ang
pangunahing sangkap ay karaniwang bigas o mga pananim na ugat. Madalas sa mga
sangkap nito ay ginagamitan ng galapong na gawa sa pinaghalong bigas at harina.
Meron ding mga kakanin na gumagamit ng malagkit na bigas. Ang mga kakanin ay
karaniwang inihahanda tuwing may espisyal na okasyon kagaya ng piyesta,
kaarawan, pasko, bagong taon, at iba pang mga okasyon. Maaari din itong gawing
pasalubong para sa ating mga pamilya o kaibigan. Patok na patok ang kakanin
bilang merienda o panghimagas ng mga Pilipino. Lahat ng klase ng kakanin ay
mayroong kanya-kanya, kakaiba, at matunog na pangalan na talaga namang hindi
makakalimutan nga mga tao.
Ang
puto ay puti at hugis bilog ang kadalasang makikita nating kinakain ng isang
karaniwang tao. Sinasabi rin na ang puto ay ang perpektong katambal ng dinuguan
o pancit sa hapag kainan. Ang puto ay isang tradisyonal na pagkain na maaaring
nagmula sa Pilipino o hindi kaya’y Indonesia. Ang kakaning ito ay gawa sa
pinasingawang galapong o harinang bigas. Ang kakaning ito ay sadyang mayroong napakaraming
baryasyon, madalas na batayan para makilala ang isang uri ay ang itsura at ang
lasa nito. Dito sa Pilipinas ay napakaraming uri ng puto, hindi natin
maikakaila na mahal na mahal ng mga pinoy ang naturang kakanin. Puto bumbong,
puto lanson, puto manapla, puto maya, puto-pao, at ang puto seko, iyan ay anim
lamang sa uri ng puto, parehas mang puto ang mga ito, ngunit bawat isa’y may
kakaibang katangian.
Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa
mula sa malagkit na bigas o galapong at katas ng buko. Niluluto sa isang
hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa
ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong, pinapahiran muna ito ng mantekilya
at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.
Ang bibingka ay gawa sa galapong, gatas, asukal, itlog, at baking powder.
Maaari din itong lutuin sa mas makabagong
lutuan at pagkatapos itong lutuin ay inilalagay
ito sa dahon ng saging. Ngayon hindi na kailangang maghintay sa pagsapit ng kapaskuhan para
makatikim ng masarap na bibingka. Maaari na itong ma-order sa mga restaurant at
bumili sa palengke. Masarap ang bibingka lalo na yung espesyal
nilang bibingka na dinagdagan ng kesong puti.
Ang palitaw ay
manipis at patag na kakanin na gawa sa malagkit, asukal, at kinayod na niyog.
Ang pangalang palitaw ay hango sa salitang
litaw na naglalarawan sa
paraan ng pagluto. Ang malagkit ay ginagawang maliliit na bola at pinapatag.
Isa-isa itong hinuhulog sa kumukulong tubig. Kapag lumitaw ito, nagangahulugan
na luto na ang palitaw. Inaalis ang palitaw sa tubig at binubudburan ng asukal,
at kinayod na niyog. Masarap itong merienda, lalo na kapag bagong luto.
Ang biko ay hindi mawawalatuwing may mga piyesta sa
mga baryo, kasalan, at mga espesyal na okasyon. Ang “biko” ay siayng kadalasan
nating maiisip kapag makakarinig tayo ng “kakanin”. Ito ay gawa sa malagkit na
bigas na hinaluan ng gata ng niyog at ng asukalna pula, nilalagyan din ito ng
toppings. Ito ay kadalasang binebenta samga palengke at minsan ay initinitinda
ng mga maglalako kung saan-saan.
Ang kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga
Pilipino. Ito ay isang uri ng steamed rice cake (puto)
na matatagpuan sa buong Pilipinas.Ito ay gawa mula sa isang timpla ng harina,
asukal na pula, pinahusay ng may dilaw na kulay ng pagkain o annatto extract,
at steamed sa maliit na ramekins. Kadalasan itong ibinebenta kasama ang puto.
Hindi tulad ng katumbas nito, na may isang doughy texture, ang kutsinta ay may jelly-like,
chewy consistency. Maaari din itong mapasarap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
latik para sa isang mas matamis na lasa. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya
naman ay mabili sa mga naglalako o natitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng
puto. Malagkit ito ay may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.
Ang sapin-sapin ay isang lumang tagalog na salita sa
salitang “layers”. Ito ay salita na nagbibigay ng pagpapahiatig dahil sa
kanyang malagkit na kaanyuan at lasa. Ang salitang ito rin ay nagbibigay ng
pagpapahiwatig kung paano to ihanda. Kapag ikaw ay gumawa ng sapin-sapin,
laging tandaan na ang bawat sapin o layer ay maaaring i-steamed upang
mapanatili nito ang kulay at maihiwalay ang mga lasa. Ang sapin-sapin ay gawa
sa galapong, gatas ng niyog, condensasa milk, at ang mga lasa nito ay ube,
langka, at kesa. Ito ay makikita tuwing may pagtitipon tipon katulad ng
piyesta, mga aktibidad sa paaralan na naghahanda ng pagkain, christmas parties,
kaarawan, at victory parties.
Ang ginataang
bilo-bilo ay hinaluan ng mga hiniwahiwang kamote, ube,
gabi, saging, at ginilang na bigas at ginawang bilog. Sila ay pinaghalo-halo at
niluto ng magkakasabay-sabay sa lutuan na may gata ng niyog. Samahan pa ng may
hiniwahiwang langka at jackfruit. Ang ginataan ay galing sa salitang “gata”.
ang bilo-bilo naman ay galing sa malagkit na giniling na bigas na ginawang
bilog na pinakuluan muna sa mainit na tubig bago ihalo sa mga pangunahing
sangkap.
MGA
IBA’T IBANG URI NG PAGKAING
KALYE
Ang
pagkaing turon ay gawa sa saba na hinihiwa ng pahaba (para mabilis maluto) at
ibinalot sa pulangasukal, saka ibabalot ang lumpia wrapper. Maaarin ring
dagdagan ito ng hinimay na langka at keso para mas lalong sumarap ang lasa.
Pagkatapos ay idi-deep fry ito hanggang sa maging pula at maging malutong ang
balat nito.
Ang
kwek-kwek ay nilagang itlog ng pugo na binalutan ng kulay kahel na gawa sa
harina, tubig, ibang panimpla at
asuete
bilang pampakulay. Ang itlog ay deep-fry,
kinakain ito na may kasamang suka at pininong sibuyas, kung minsan ay
nilalagyan din ng sili o pampaanghang para maging mas masarap itong kainin. Ang isa pang bersyon na gumagamit ng itlog ng pato o
ng manok ay tinatawa na tokneneng.
Ang
kamote cue
ay isa sa mga paboritong
merienda ng mga Pilipino., katulad din ng banana
cue ang paraan ng paggwa ng pagkaing ito, bagamat hindi saba ang gamit kundi
kamote. Maaaring hiwain ito sa iba’t-ibang korte gaya ng tatsulok o parisukat.
Pagkatapos itong lutuin ay pwede ito itusok sa tuhugan o ilagay sa isang
cardboard bago kainin.
Ang
manibalang saba ay binabalot sa pulang asukal at saka piniprito. Ang mainit
ding mantika ay sinasabuyan ng pulang asukal hanggang sa bumuo ito ng karamel
na tuluyang babalot sa saba. Pagkatapos itong maluto ay itutusok ito sa
tuhugan. Mas pinipili itong merienda kaysa pang himagas.
Tinitawa
na ganito ang pagkain sapagkat ito ay kahugis ng isang balang betamax. Ito ay
gawa sa namuong dugo ngmanok o baboy na pinakuluan kasama ang ibang pampalasa,
hinuhugis ng kubiko at saka tinutuhug at iniihaw.
Ang pagkaing ito ay sinasamahan ng suka, pamintang
durog, at pinog sibuyas paramaging mas masarapang kainan.
Adidas ang nakakatawang tawag sa inihaw na paa
ng manok at unang niluluto na pang adobo. Tinatanggalan muna ito ng mga kuko at
makapal na balat bago ito lutuin, saka itutusok sa pantuhog. Masmasarap itong
kaiin lalo na pagsinamahan ito ng suka na nilagyan ng pampaanghang
Ang isaw ay iniihaw na bituka ng manok o baboy
na nilinis ng ilang ulits sa loob at sa labas habang pinakukuluan at pagkatapos
ay dadagdagan ng panimpla. Ang bituka ay itutusok sa tuhugan ng pasigsag bago
hiwain. Mas mabuting kainin ito habang mainit at isawsaw ito sa maanghang na
suka
Ang hilaw na fishball ay maliit na bilog at parang
plato ang hugis ngunit kapag inilubog sa mainit na mantika ay unti-unting
umaalsa. Ang mga manlalako ay nagtitinda dala ang isang pushcart na naglalaman
ng gas burner o LPG tank at iba pa. Bawat mamimili ay binibigyan ng maliit na
pantuhog at platong karton upang maging lalagyan nito. Maaari silang magtuhog
ng kahit ilan at ilubog sa tatlong uri ng sarsa: matamis, maanghang at matamis na maasim.
MGA IBA’T IBANG URI NG
PAGKAING PINOY
Ang pinakbet o pakbet ay isang pagkaing Pilipino
na may laman ng baboy o baka at gulay. Karaniwang pinakkuluan ang mga sangkap
nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa. Isa ito sa mga pinaksikat na
pagkain sa Ilocos Norte. Lahat nga pinoy ay alam kung paano ito lutuin pero iro
ay nagmula talaga sa Ilocos Region. Ang Ilocos ay kilala dahil sa kanilang
masarap na pinakbet na sinangkapan ng bilog na talong, maliliit na ampalaya at
bagoong na isda.
Ang bagnet ay kilala sa
lokal na pangalan na chicharon. Ito ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas
na matatagpuan sa Ilocos. Ito ay karaniwang isinasawsaw sa suka, bagoong at
bawang. Ang bagnet ay may tatlong uri ang una ay ang karne at balat ng baboy na
siyang pinakmahal na bagnet at itinitinda ng tagkikilo. Ang pangalawa ay ang
bagnet knots na binibili ng bawat piraso. At ang huli ay ang bagnet crumbs na
kinukudkod sa gilid ng kaldero ito ay itinitindarin ng tagkikilo at inilalagay
sa pinakbet. Ang mga pagkain na itoay mabibili sa iba’t ibang kilalang mga
restorant.
Ito ay isa sa mga paboritong almusal ng mga
Pilipino at ito rin ay kilala dahil sa napakasarap na lasang ilocos sausage na
ang gamit pampalasa ay ang tinatawag nilang local garlic. Ito ay nag mukhang
Spanish Chorizo Sausage
Ang kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne
ng kambing. Pinakukuluan ang karne hanggang ito’y lumambot at dahan-dahang
lulutuin na may malapot na sarsa na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang,
kamatis at durog na paminta. Maaaring ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin.
Maaari ding magdagdag ng hiniwang patatas at karots. Sa mga panahong ito, pwede
ng gamitin ang kahit anong karne.
Palagi ng kasama ang menudo tuwing may
handaan sa pamilya. Kakaiba ang paraan sa pagluto nito dahil may kasama itong
hinihiwang atay ng baboy, baboy, sibuyas, kamatis, patatas, karots, pula at
berdeng sili, at pasas. Ang sawsawan ay pinapalapot ng tomato sauce. Ang
hinihiwang chorizo de bilbao at garbanzo ay pwedeng ihalo upang maging mas
malasa ang menudo.
Ang sinigang ay isa rin sa masasarap na ulam ng
mga Pinoy na may sangkap na kanre o isda at iba’t ibang gulay na angkop
sa sinigang. Maaaring gamitin ang sampalok at kamias o di kaya naman ang pampalasang
powder na ginagamit nana ngayon bilang pampaasim.Maaari ring gumamit ng iba pang sangkap
na angkop sa nilulutong sinigang upang mas maging masarap ang inyong lutuin.
Ang tunay na ibig sabihin ng nilaga ay
pinakuluan. Pinakukuluan ng karne ng baboy, manok o baka hanggang sa ito’y
lumambot. Idinagdag ang repolyo, patatas,
kamote, karots, dahon
ng sibuyas, saging na saba, petchay, buong paminta at garbanzo para sa mad
malinamnam na sabaw. Kinakain ang nilaga na may kasamang patis o kaya
ensalabadang talong at kalabasa na may suka, paminta, bawang, asin at asukal.
Ang
litson ay madalas na nakahain sa ating mga hapagkainan kapag may okasyon tulad
ng kaarawan, piyesta, pasko, bagong taon, at kung anu-anu pang mga espesyal na
handaang Pinoy. Ang baboy ay siyang pinakasangkap ng litson. Maaari ring gumawa
ng sawsawan upag mas maging masarap ang litson. Kung minsa’y nilalagyan pa ng
mansanas ang bibig ng litsong baboy. Ang litson ay baboy na linuto ng matagal.
Ang balat nito ay napakalutong at kapag kinagat ay rinig na rinig ang tunog
nito.
Ang adobo ay itinuturing na pambansang ulam sa
Pilipinas. Ito ay pinakuluang karne ng baboy o manok na niluto sa tuyo, bawang,
suka, buong paminta, at dahon ng laurel. Pinakukuluan ang karne ng mahinang
apoy hangga’t mabawasan ang tubig at lumambot ang karne. Ang iba’t-ibang gulay
at shellfish ay pwede ring lutuin sa ganitong paraan.
Sa pagdaan
ng panahon, nagkaroon ng iba’t ibang mga salik sa pagbabago ng kultura ng mga
Pilipino sa pagkain. Isa sa mga ito ang paglitaw ng mga produktong gawa sa
ibang bansa. Ang mga ito ay lubusang nakaapekto sa mga Pilipino sa paraang
nagkaroon ng pagkakaiba sa pagtingin ng mga Pilipino sa sariling gawa ng mga
produkto at sa gawang ibang bansa. Ito ang konsepto ng colonial mentality na
nagbigay pansin sa pagkain ng mga Pilipino. Masasabi ngang kultura ng isang
bansa ay naglalarawan sa kanyang lutuin. Ang taal ng pagkaing Pilipino ay
payak. Pero ito ay nadadagdagan na ng putaheng Kastila at Tsino, Amerikano at
Bumbay. Maliban pa rito, bawat rehiyon o probinsya ay may kani-kaniyang
espesyal na luto at panlasa. Mayroon ding kaibahan ang pagkain pang araw-araw
at pagkaing panpista. Di masyadong palakain ng karne ang mga Pilipino. Marahil
sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat. Karamihan ng katutubong putahe ay
ukol sa isda, alimango, talaba, at hipon. Sinsabing ang mga pagkaing-dagat na
mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo. Mahilig rin sa
gulay ang mga Pilipino. Ginagamit nila ito pangsahog sa baboy at karne, at kung
minsan ay bilang pinakatampok na putahe. Kapag sa huli gingisa itong kasama ng
piraso nag baboy at hipon. Marahil ang pinakatanyag na putaheng gulay ay ang
pinakbet ng mga Ilokano. Masasabi ngang nilalarawan ng lutuing Pilipino hindi
lamang ang kaniyang kultura kung pati na ang kanyang kasaysayan.
Comments
Post a Comment