GOV. ROQUE B. ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY INC.
SOLSONA, ILOCOS NORTE

FASHION(OLD/NEW)
FESTIVALS/PAGEANT/MODELS
INIHANDA NINA:
CHEYANNE LEI T. ALEJANDRO
KAREN EDRADA
YOLANDA S. VICENTE
JULIELYCA BALISACAN

IPAPASA KAY:
BB. ARVIN MAY F. RAMOS

OCTOBER 14, 2019

Maraming pistang nagaganap sa Pilipinas. Ang mga sikat na pista ng Santo Niño, pista ng MassKara at iba pa. Sa panahon ng pista, ang bayan ay naghahanda ng pagkain at parada. Para sa mga Pilipino, ito ay panahon ng kasiyahan at galak.



Ang unang pista sa Pilipinas ay naganap noong panahon ng Kastila. Ang mga pista noon ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa impluwensya ng Kastila. Tatlo ang dahilan kung bakit naganap ang pista. Ang una ay bilang pagpapasalamat sa mga kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa bayan tulad ng pista. Ang pangalawang dahilan ay bilang paraan ipakita ang sariling kultura o gawain nila tulad ng pag-gagawa ng mga maskara o paglalagay ng pintura sa katawan. Ang dahilan ay mga anibersaryo ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng mga bangon ng lungsod o bayan. Dalawa ang katangian ng mga pista; napakaraming pagkain at malikhaing na dekorasyon. Nagkakaroon rin ng mga parada at prusisyon. Ang lahat na ito ay nagpapakita ng debosyon ng mga Pilipino sa pagdiwang ng mga pista.


Talagang simbolo ng ating kultura ang bilang Filipino ang mga pista. Sa mga pista, ipinapakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa larangan ng pagkain, pagsayaw, musika at sining. Kahit na tungkol sa relihiyon o kultura ang pista, binibigyan natin ang lahat para makompleto ang karanasan ng isang pista. Ang kasiyahan at pagsasalamat ay ang punong dahilan ng pista at kultura natin bilang Pilipino. Kung walaang mga piyesta, magiging kulang ang kultura natin.
MGA IBA’T IBANG PISTA
SA
PILIPINAS

       
 Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Ilo-ilo tuwing ikatlo ng linggo ng Enero. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commision for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography. Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967




Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara”, na nangangahulugan ng “mukha”. MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang

Text Box: MORIONES FESTIVAL 
                                                                                                                                                                                              
 Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, naparte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

                               
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang “Leyte Kasadyaan Festival of Festivals”, ang “Pintados Festival Ritual Dance Presentation” at ang “Pagrayhak Grand Parade”. Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa pista Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan.. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki’t babae ay mahilig magtato sa kanilang sarali. Ang “Leyte Kasadyaan Festival of Festivals” naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsya ng Leyte.
    

                       
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “kiping”. Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbaños ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging.

Text Box: ATI-ATIHAN FESTIVAL                                 
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon. Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang “Ati-atihan”ay may ibig sabihin na “Maging katulad ng isang Ati”.

                       Ang salitang sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog dance. Alay ito sa Sto. Niño at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival. Ang pista ay binubuo ng isang napakahabang parada kasama ang iba’t-ibang grupo ng mananayaw na may makukulay na kasuotan at nakasakay sa pitong karosa na sumisimbolo sa pitong magkakaibang panahon ng kasaysayan ng Cebu.




             
Ang salitang Panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak “. Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-aayos ng bulaklak, manigning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa. Ang pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya’t ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista.

Text Box: HIGANTES FESTIVAL       
Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisada. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking  kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay  na kasuotan o ng  kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit sagwan, lambat at iba pang pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampo hanggang labindalawang talampakan).


               
Ang Pamulinawen ay isang awitin ng mga Ilokano. Sinasabing ito ang pangalan ng babae na inaawitan ng lalaki sa kanyang panghaharana. Tuwing unang Linggo ng Pebrero, ginaganap ang Pamulinawen Festival sa Lungsod ng Laoag, kasabay ng pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan na si Saint William the Hermit.. Sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, ang Laoag City ay naging mapalad at ligtas mula sa mga disaster at kalamidad. Ang Laoagueños ay naghahanda at nagsasaya sa bawat pagdiriwang ng pista ng lungsod, ginagawa itong isang extension ng masaya at masaganang Pasko. Ang pistang ito ay naging isang mahalagang bahagi ng relihiyon at kultural na pamana ng bawat bayan sa Pilipinas.

                         
Ang Biniray Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Romblon tuwing ikalawang linggo ng Enero ng taon bilang pagpupugay sa Señor Santo Niño na kahalintulad sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ng Cebu. Sa isang banda, ito ay nagpapakita ng taimtim na pananampalataya ng mga taga-Romblon sa relihiyong Katoliko. Lubhang makulay at masaya ang pagdririwang ng Biniray Festival kung saan tampok ang iba’t-ibang presentasyon ng mga sayaw at awit. Isa sa mga inaabangan sa pagdiriwang na ito ay ang tinaawag na flotilla of vessels ma gumugunita sa pagtatangka ng mga Kastila na itakas ang imahe ng Santo Niño mula sa bayan ng Romblon.


                             
Ang Kadayawan Festival ay isang pagdiriwang sa Davao na nagdidiriwang sa magandang pag-aani ng mga tao roon. Nangyayari ito sa ikatlong linggo ng Agosto. Sa Kadayawan Festival, maraming nangyayari roon. Nagkakanta, sumasayaw, mayroong kayak racing, pagtutugman atbp. Katangi-tangi ito sa Pilipino dahil tayo lang ang nagdidiriwang sa magandang pag-aan. Isang simbolo rin ito ng kulturang Pilipino dahil lahat ng Pilipino, kahit noon pa, ay mga manggagawa. Nakikita sa pagdiriwang na ito na matiyaga tayo, at parati tayong masaya.



                       
Ang Suman Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-14 hanggang ika-19 ng Pebrero, sa bayan ng Baler sa Aurora. Itinuturing itong pinakamalaking kasiyahan sa lalawigan, kung saan ipinaparada ang iba’t ibang mga karosa na nilagyan ng palamuti na naaayon sa pagdiriwang. Ang suman ang ritwal na handog ng Hagisan. Niluluto ito ng mga Tayabense dahil nakikita nila ang Hagisan o ang Suman Festival bilang isang oportunidad upang maibahagi ang tinatamasang kasaganahan.


                                                                                                              
                         
Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan. Tunay na napakasaya ng pagdiriwang ng kapistahan na meron ang Parada ng Lechon. Sinasabi ng kasaysayan na ang Parada ng Lechon ay sinimulan mula pa nung panahon ng Kastila ng mga may-kayang taga-Balayan bilang pasasalamat at pamamahagi sa pamayanan ng biyayang natamo sa masaganang taon.



             
Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng Lungsod ng Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang pagdiriwang ay isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras. Ilan sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang iba’t-ibang street dancing na may makukulay na costume na sinasalihan ng mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan. Iba’t-ibang makukulay na kasuotan ang tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak, bunga, mga puno, at mga hayop



                     
Ang Babaylan Festival ay isa sa tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Negros Occidental tuwing ika-19 ng Pebrero ng taon. Mula sa kasaysayan ng Negros, itinuturing ang mga Babaylan bilang isa sa mga pinakamakasaysayang pigura sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang mga Babaylan ay kinabibilangan ng iba’t-ibang tao sa lipunan gaya ng doktor, albularyo, pintor, tagapayo, magsasaka at iba pa na nagtatampok sa isang mataas na responsibilidad at ito ay pinaniniwalaang tagapag-ingat ng mga ritwal at espiritu sa mundo. Mula dito ay ibinatay ang pagdiriwang ng Babaylan Festival


Text Box: PEÑAFRANCIA FESTIVAL                                                                                                                               

                         
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba’t ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.


Text Box: SANDUGUAN FESTIVAL                             
Ang Sanduguan Festival o Pista ng Sanduguan ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng Abril sa isla ng Mindoro. Ipinagdiriwang ito bilang paggunita sa unang barter sa pagitan ng mga Mangyan at mga mangangalakal na Tsino noong unang panahon. Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa Sanduguan, isang kumpetisyon sa pagsasayaw sa lansangan habang nakasuot ng makukulay na kasuotan na gawa sa mga produktong matatagpuan sa lugar. Nagmula ang sanduguan sa salitang sandugo na nangangahulugang “pagkakaibigan”. Tinutukoy din ng salitang sanduguan ang kasunduan sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa Mindoro at mga mangangalakal na Tsino.



                              Ang Kalilangan Festival ay isa sa mga pagdiriwang sa Pilipinas na dinadayo ng maraming turista taun-taon ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-General Santos sa Timog Cotabato. Ipinapakita dito ang mayamang kultura ng nasabing lungsod. Ang Kalilangan ay nagmula sa salitang kalilang na mula sa dialekto ng mga taga-Maguindanao. Ito ay nangangahulugang “pagdiriwang”, “kapistahan” o “kasiyahan”. Ilan sa mga espesyal na aspeto ng pagdiriwang ay ang paggamit ng pare-parehoat makukulay na kasuotang kahawig ng tinalak ng mga T’boli.



Text Box: PHIL. INTERNATIONAL HOT AIR BALLON FESTIVAL                   
Ang Philippine International Hot Air balloon Fiesta ay isang taunang selebrasyon na ginaganap tuwing Pebrero sa Omni Aviation Complex, sa Clark Field, Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Ang fiesta ay nagpapamalas ng pagpapalipad ng makukulay na mga hot air balloons na mula sa iba’t-ibang bansa. Nagsimula ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta noong taong 1994. Kabilang sa pagdiriwang ang mga aktibidad tulad ng skydiving, flag jump, microlight at rocketdemonstrations, plane fly-bys at fly-ins pagpapamalas ng paglipad ng mga eroplano at helikopter na de-baterya, aerobatics, precisionmaneuvers, light airplane balloon bursting, ultra-light flying formation at bonb droping, paggawa at pagpapalipad ng saranggola, high-start launch gliding, pylong racing, banner towing, aero-modeling symposium, at karera ng motorsiklo.

               
Ang Candelaria Festival ay isa sa pinakamalaking kapistahan sa Iloilo bilang pasasalamat sa patrong Birheng Maria ng Candelaria. Ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang araw ng Pebrero sa bayan ng Jaro, Iloilo. Dumarayo ang mga tao mula sa Kanlurang Visayas sa Iloilopara masaksihan ang mga sabong, eksibit ng industriya ng Jaro, karnabal, konsyerto, paligsahan at iba pa. Nagkakaroon din ng parada at inaabangan ang engrandeng prusisyon. Naniniwala ang mga tao na naipakikita rito sa pistang ito ang simbolo ng kaunlaran at pagmamahal ng mga tao sa mga pista at pagdiriwang




                             
Ang Kinabayo Festival na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 25 sa Dapitan City Zamboanga del Norte Pilipinas ipagdiwang ang isang mahiwaga at makulay na pageant muling nakakabisa ang Spanish-Moorish wars higit sa lahat ang Labanan ng Covadonga kung saan ang Espanyol pwersa sa ilalim ng Pangkalahatang Pelagio kinuha ang kanilang huling stand laban Saracan. Sila ay mag-agawupang ibasak ang tide sa pamamagitan ng mapaghimala espiritung St. James. Ang pagdagdag ng mga lokal na kulay at pagkamakabago at giniwa na ito taunang pagdiriwang ng isang popular na-akit na pinagsasama-libo ng mga tourists sa Dapitan.


                     
Ang Pagoda Festival ay isang tradisyunal na pangdiriwang na ginagawa sa bayan ng Bocaue sa Bulacan bilang pasasalamat sa patron nito na si San Francisco ng Asssisi. Ipinagdiriwang ito tuwing unang Linggo ng Hulyo. Tinawag itong Pagoda Festival dahil sa ipinuprusisyon ng isang malaking pagoda o balsa kung saan nakasalalay ang mga deboto ng santo. Naglalakbay ang balsa sa ilog ng Wawa. Nakikiganyak na sumama ang mga deboto sa pagoda sa paniniwalng magiging mas maayos ang kanilang mga buhay at magiging swerte sila sa kabuuan ng taon. Kaya nga ba’t ito ay tinuring na isang panata.




                   
Ang Hinugyaw Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod Koronadal bilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang lungsod na noo’y Marbel Settlement District noong 1940. Nagkaroon ng parada, pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro, paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng Koronadal.












MGA
LUMANG PANANAMIT
Ang pananamit ng mga sinaunang Pilipino ay lubhang naiiba sa pananamit ng kasalukuyan. Noon, ang mga lalaki ay nakabahag ngunit may kanggan, na pang-itaas, na maikli ang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo. Ang kulay ng kamisa ang nagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuotnoon: kung pula ay nangangahulugang datuang may- suot;kung asul o bughaw o kung ititm ay nabibilang sa uring mababa kaysa datu. Sa kabilang dako , ang pananamit ng mga babae ay binubou ng pang-itaas na kung tawagi’y baro at ng pang-ibaba na kung tawagi’y saya. Sa kabisayaan, ang tawag dito’y patadyong.

Noo’y walang sapatos ang mga tao, kaya’t anglahatay naka tapak. Gayuman, ang ulo’y may putong, na anupa’t isang kayong damit na nakabilibid sa ulo. Sa kulay ng putong nakikilalaang “pagkalalaki”: kungpula ang putong , ang may-suotay nakapatay na ng isang tao; kung may burda ang putong, ang may-suot nito ay nakapatay na ng maraming tao. Ang mga babae ay hindi naglalagay ng putong, ngunit ang kanilang buhok ay nakapusod.
                
               
                                                           
    Kung ating makikita sa larawan , ang litratong ito ay nagpapakita ng pagiging konserbatibo sa pananamit ng mga tao noon. At sa aking paningin ang litratong ito ay nagsisimbolo rin ng RESPETO sa sarili dahil sa pagiging konserbatibo nila. Dahil noon ang uri ng mga pananamit lalo na sa kababaihan ay importante, naniniwala silang ang mga babae ay hindi dapat makitaan ng ano mang parte ng katawan dahil ito’y nagpapakita ng hindi kaaya aya sa paningin ng mga matatanda at kanilang pinahahalagahan ang pagiging kababaihan.


               
Sa larawan ginugunita nito ang edtilo ng pananamit noong dekada 90 kung saan maraming mga netizens ang naka-relate sa naturang larawan. Marami ring mga netizens ang nagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pagsusuot nito at may mga natatawa rin dahil nai-imagine nila ang kanilang itsura sa oras na ito’y isuot nila ngayon.



                             
Noong dekada 70, ang populasyon ng dating USSR ay hindi maaaring magpakasawa sa mga maliliwanag na outfits. Ang wardrobe ay binubuo ng mga bagay na ginawa ng pabrika, ang mga kulay ng tela ay kulay-abo at walang kapansin-pansin, at ang cutay simple at libre. An gmga kababaihan ay may parehas o katulad na mga skirts , blusang blusa, na nababagay at kahit na damit.








MGA MAKABAGONG PANANAMIT

Malaki ang pagkakaiba ng mga kababaihan noon at ngayon. Isa na rito ay paraan ng pananamit. Kung dat’y baro’t saya ngayon naman ay walang manggas at mini-skirt. ASng ipa nga’y nakalitaw ang pusod at iba’y lumalabas na ang dibdib.

Sa panahon ngayon ang laki na ng pinagbago pagdating sa pananamit. Ang isa sa dahilan nito ay ang pag-usbong ng social media lalo na sa kabataan. Dahil sila ang mas nahumaling sa social media. Kung ano ang uso dapat ito nasusunod dahil sa panahon ngayon kapag hindi ka sunod sa uso hindi ka pasok sa masa.

                  Ang mga suotin ng mga Pilipino ngayon ay para lang rin suot ng mga Amerikano, mga babae ngayon ay nagsusuot ng mga sleeveless na damitin at mga maikling shorts. Hindi na din sila nag papaiwan sa mga usong damit.








               
                  Kung ating makikita o ikukumpara, malaki ang pagkakaiba ng kasuotan noon sa ngayon. Ngayon ang mga kabataan ay sumusunod sa uso, sumusunod sa mga bagong modernong uri ng pananamit o fashion. Hindi mahalaga kung suot nila ay paningin ng iba ang mahalaga bago ang damit nila at sunod sa uso.








                                       
Tila pinaikli na ng pinaikli ang mga kasuotan ngayong modernong panahon. Hindi na makita ang pagiging mayumi at pagiging dalagang pilipina, parang habang payaman ng payaman, paikli rin ng paikli ang kasuotan lalo na sa mga kababaihan. Ang totoo hindi naman problema ang tela dahil mabilis ang produksyon at nakatitiyak ako na marami ang nagsusuplay nito.











Magkahalo ang relihiyon at kasaysayan sa buhay ng mga Pilipino. Namana nila ito sa mga kastila na sumakop sa Pilipinas na may apat na raang taon.
Ang pista ay kainan, inuman, mga palabas, paligsahan, palaro at paseyo ng mga banda ng musiko. May nobena at rosaryo sa loob ng siyam na araw. Nagdarasal ang mga tao sa kanilang patron. Sa ika-siyam na araw ng kapistahan, nagpapasalamat sila sa nakaraang taon at humihingi ng isa pang mabuting taon, o ng masaganang ani.
Ang kagandahang-loob ng mga Pilipino ay higit na nakikita kung may pista. Maraming handa ang lahat ng bahay. May litson, adobo, at iba pang masasarap na luto. Malaki ang gastos kung pista. Masaya naman ang mga tao.
Hindi lamang mga bahay ang may dekorasyon. Ang mga kalye ay ay may dekorasyon din. May mga ginupit-gupit na makukulay na papel. Nakakabit ang mga ito sa pisi na ibinibitin sa mga daan. Karaniwan kung pista, ang may bahay ay hindi nakakakain o nakakasimba dahil sa dami ng mga bisita. Hindi rin nila nakikita ang mga pagdiriwang dahil pagod na pagod sila pagdating ng gabi.
Karaniwan din, pagkatapos ng pista, ubos ang handa at malaki ang utang ng naghahanda. Minsan, umaabot ng isang taon bago nila matapos bayaran ang kanilang utang.Sa bagong henerasyon na ito ay halos malayong malayo na ang itsura ng mga kasuotan noon at ngayon. Kaya nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng kasuotan dahil sa mga desinyong ginagawa sa bawat taon. Hindi naman maikakaila na halos ang mga kasuotan noon ay mahahaba at disente, kumpara sa mga kasuotan ngayon ay maiikli na at hindi na masyadong disente.
Ang mga kasuotan noon ay kapag may okasyon silang pinupuntahan ay naayon sa mga okasyong pupuntahan ngunit sa panahon ngayon halos hindi na sinusunod ang mga kasuotang gagamitin ayon sa okasyong pupuntahan.
Halos karamihan sa mga tao ngayon ay mas pinipili ang “New Fashion” kesa sa mga “Old Fashion” mas gusto nila ang mga disenyo sa bagong henerasyon kumpara sa dating henerasyon. Ipinapakita sa blog na ito ang pagkakaiba iba ng mga bawat kasuotan noon at nghayon. Kung ano ang kahalagahan nito sa ating mga Pilipino.
Sa bawat noon at ngayon nagkakaiba iba ang mga disenyo ng mga ating kasuotan. Iba ibang okasyon ang mga ginagamitan ng mga bawat kasuotan. Maging disente at magkakaroon ng respeto sa mga gagamiting kasuotan.

Comments

Popular posts from this blog