GOV. ROQUE B. ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY INC.
SOLSONA ILOCOS NORTE
INIHANDA NINA :
MARICHEL BARCARSE
MICAH ARELLANO
LYNETH LOVE JOY PASCUA
BETTY MAE QUILLING
IPAPASA KAY:
BB. ARVIN MAY F. RAMOS
OCTOBER 14, 2019
Ang tradisyunal na larong pinoy ay sadyang nakapang–aakit, kakaiba at bunga ng malikhaing imahinasyon. “Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo. Isa! Dalawa! Tatlo!”. Mga salita na maaring na nagmumula sa taya sa larong “Taguan o Tagu– taguan”. Natutuwa at napapangiti ka na lamang sa tuwing maaalala mo at makikita ang mga kalaro mo noon. Ang mga ala– alang masaya lamang kayong naglaro at walang ibang iniintindi. Sapagkat ang mga panahon na ito ay ramdam na ramdam nila ang kanuwagan sa mundo. Maraming mga laro noon na talaga naming kagigiliwan nila. Sa larong tumbang preso, maingay na kumakalansing ang lata sa tuwing ito’y matatamaan ng tsinelas. Para sa mga batang kababaihan ang larong piko, lutu– lutuan at bahay– bahayan. Kung minsan nga’y bumili kappa ng chichirya upang lutuin at kainin. Hindi rin maiwasang laruin ang mga insekto gaya ng salagubang, tutubi at gagamba. Nasisiyahan sa pagbabalik tanaw. Ngunit sa kabilang banda, nakakalungkot isipin na kasabay ng paglipas ng panahon tila parang bula o kandilang nauupos ang sindi ng mga kinagisnan at kinagigiliwang laro. Halos sa lahat ng sulok ay makakakita ka ng mga “computer shop” o “cyber café” na punong puno ng kabataan na nahuhumaling ngayon sa “network games” at “online games”. Kinababaliwan ngayon ng mga kabataan ang “online games” mga dota, sarcraft, heroes pf newerth at iba pa. Sapagkat maaaring kang makipaglaro sa mga kabataan nasa ibang bahagi ng mundo.Mapapansin sa obserbasyong ito ang unti– unting pagkalimot ng kabataan sa mga kinagisnang laro at libangan. Nabawasanna ang mga oras nila sa pakikipag– interaksyon sa kapwa bata sapagkat mas pinipili na ng mga kabataan ang magiging “interactive” sa harap ng “computer” at “video games”Bihira mo na lamang maririnig ang “tsub” at “tsa” sa larong teks. Madaling mo na ring maririnig ang kaluskos ng mga nagugumpunang turumpo. Kaunti na lamang sa mga kabataan ngayon ang lumulundag lundag at tumatakbo sa mga larong tulad ng mataya - taya, piko at patintero. At naririnig pa ba ninyong binibigkas ang “taympers”. Kung inyo ring mapapansin wala ng nagpapalipad ng saranggola dahil sa dami ng mga nagtataasang gusali at poste ng kuryente sa kalungsuran.
LARONG PIKO
Halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan kailangan mo ng bato or pinag basagan plato bilang bato mo ihagis mo ang bato mo sa steps at ikaw ay pumulat at bumalik sa base.Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay” ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo hindi pwedeng tapakan ang kalaro mo ang bahay mo at dalawang paan naman ang pwede mong tutungin sa bahay mo kung hindi pa kayo naglaro ng piko sa buong buhay niyo ay hindi kumpleto ang pagkabata niyo.
LARONG TUMBANG PRESO
Ito ay isang taya sa harapan at kayo ay nasa base ( isang guhit sa lupa na di kayo pwedeng lumagpas), kailangan mo ng tsinelas at isang lata ng Alaska at bearbrand lang ang mga nakalatang gatas. Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng sinelas at kapag walang naka tira nito ang pinakamalayong sinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag nakulong sa bilog ang iyong sinelas- ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at natumba ito dali dali kayong kunin ang sinelas ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base niyo.
LARONG MORO– MORO
Ito ay pabilisan ng takbo o habulan ng dalawang grupo, may sarisariling home base at alternate na naghahabulan,ang kailangang gawin ay “agawan” nang isang grupo ang kabila ng base sa pamamagitan nang paghawak o pagtapak ditto. Hindi ito madali, dahil ang base ay nagbibigay sa mga miyembro nito ng lakas. Kung sino man ang huling nakahawak sa base niya ay ang siyang may lakas na manghuli ng sino man na mas naunang umalis ng base nila. At sino man ang mahuli ay dadalhin sa base para maging bihag. Para makatakas ang bihag ay kailangang “maka –base” ang kanilang kampo para rin itong mataya – taya, kailangang isisgaw ang “taya” kada may mataya.
LARONG SIPA
Isang mabigat na singaputing bakal na hugis piso na may butas sa gitna at lagyan ng straw sipa na. Ang sipa ang isa sa pinakakaraniwang karo ng mga batang Filipino. Karaniwang iniuugnay sa sepak takraw, ang sipa ay nilalaro ng dalawang pangkat ng manlalaro, sa loob o laban man, sa isang kort na sinlaki ng laruan ng tennis.Ang bawat pangkat ay binubuo ng isa o dalawang manlalaro. Ang layunin ng laro ay sipain ang bolang yari sa yantok mula sa sariling kort patungo sa kabila, at balikan, nang dumadaan sa ibabaw ng net sa gitna. Ang bolang yantok ay may 9-10 sentimetro ang laki.Ang palaruan naman ay may habang 20 metro at may lapad na 6, 8, o 10 metro ayon sa dami ng manlalaro. Pasalungat ang pagtutuos ng puntos, ibig sabihin binibilang ang kamalian o paggawa ng bawal ng manlalaro sa bawat pangkat. Ang pangkat na may mas mababang puntos ang mananalo.May nalinang na ibang bersiyon ng sipa. Isa na rito ay ginagamitan ng pinagsamang goma o tingga na may itinaling maikling straw bilang palawit.
LARONG PATINTERO
Ito ang isa sa pinakamagandang laro na pwede sa kayle, lalo na sa suidad kung saan may mga linya na sa daan.Sa probinsiya kasi ay kailangan pang gumamit ng istik para sulatan ang lupa o markahan ng tubig ang paglalaruan,problema doon sa probinsiya ay kailangang sulat ka nang sulat sa lupa.O kaya’y di kalaunan naman ay magpuputik na sa laruan at magiging madulas na masyado. Pag umulan pa hindi ka na pwedeng maglaro.Isa sa mga sikat na laro noong kabataan, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao, at dahil kailangan ng group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito.
LARONG PALOSEBO
Ang palosebo ay isang kinaugaliang laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaaring isang banderitas o maliit na watawat ang aabutin bago magawaran ng tunay na premyo. Nilalaro ang akyatan ng kawayang may pampadulas na ito ng dalawa o higit pang bilang ng mga manlalaro.
LARONG LUKSONG–BAKA Ang luksong baka ay isang sa pinakapopular na larong pinoy o laro ng lahi. Kinabibilangan ito ng isang taya at ng dalawa (2) o higit pang manlalaro . Ang taya ang siyang magsasabing “baka” na kailangang lagpasan ng mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro, tumutuwid ng tinding ang taya. Kailangan din itong hindi masagi ng mga manlalaro o ang alin mang parte ng katawan nito. Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay ang matataya. At babalik ulit sa simula ang laro isinasagawa ang larong ito sa isang malawak na lugar na walang magiging sagabal. Ang larong ito ay hindi lang tumutulong sa mga kabataan na patibayin ang kanilang mga katawan o magsisilbing isang maganda at masayang alaala ng pagkabata. Nagpapakita rin ito ng isang halimbawa sa buhay ng isang tao na kahit gaano katas ang problema o pagsubok na tatalunan natin, malalagpasan parin ito.
LARONG LUKSONG - TINIK
Ang Luksong Tinik ay nilalaro ng dalawang grupo. Isang grupo para paglukso at isang grupo naman para magsilbing tinik. Ang dalawang manlalaro ay magsisilbing tinik sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at paa. Luluksohan naman nito ng ibang manlalaro. Matataya lang ang isang grupo kung masalat nila ang tinik habang lumulukso.
LARONG TAGUAN
Taguan o Hide and seek sa ingles, karamihan alam ng mga bata ang larong ito at masayang laruin ito kapag gabi at nasa kalsada kayo, madami akong masasayang ala-ala sa larong taguan, kaya ngayon nagagamit ko sa mga taong may utang sa akin
LARONG TSEKS
Ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, usong uso ito sa amin noong wala pang bagong teknolohiya, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ.
Viber ay nagbibigay –daan sa iyo upang makipagchat sa mga gumagamit ng software sa pamamagitan ng paggawa ng mga text message sa pamamagitan ng internet. Nagsasagawa ang software ang mga pag-synchronize ng isang libro ng telepono at awtomatikong nakita ng mga contact kung saan ang software na ito ay naka—install. Viber ay nagbibigay-daan upang gumawa ng mga tawag sa telepono sa mobile at landline sa mababang mha rate. Ang software na nagpapahintulot sa mga user na magpadala ng mga sticker, mga larawan, mga mensaheng boses o video download ng mga laro
Ang Tiktok ay isa sa mga kinahuhumalingan ng mga kabataan.Dito malayang nakakagawa ng mga nakikita nila sa tiktok na kanila mismong ginagawa o ginagaya,dito rin ng sisimulang ang pagsikat nila.Maraming gumagamit ditto dahil pwedeng dumami followers nila, lumalabas lahat ng tinatagong talent nila.Dito rin sila sumasaya pag maraming silang (puso)..
Ang ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya.Maaring sumali ang mga tagagamit ditto nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuhuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhan ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay– alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.Ito ang pinakamadaling social medi na mabalis mag– usap ang bawat isa.
Ang Snapchat ay isa sa mga pinaka– trending social media apps out doon at nagging isang karamihan ng tao paboritong sa walang oras. Isa sa pinakamahusay na bagay tungkol sa Snapchat ay pagiging simple nito at kung gaano kabilis maari itong gamitin upang makipagpalitan ng snaps. Namin ang lahat ng pag - upload ng mga kwento at magbahagi snaps sa aming mga kaibigan sa ito interactive social media app. Ito ay isang kilalang katotohanan na hindi naming maaring i-save ang snaps o mga kwento ng ibang tao na walang pagpapaalam sa kanila. May mga beses kapag gusting– gusto naming upang i-save ang isang iglap, ngunit hindi nais ang iba upang ma– notify rin.
Ang Facebook Messenger, ay isang app na dina download sa phone na nagpapangasiwa rin nang facebook, upang makapagbigay nang mensahe sa kausap nito, ito rin ay bersyon nang Facebook upang maging madali ang pag uusap nang bawat isa, Ang mensahe rin ay otomatikong lalabas sa phone upang madaliang mabasa ang gumagamit ito, naglalagay rin nang mga impormasyonsigns, katulad sa natural na facebook.
Ito ay serbisyo ng Google kung saan ang mga tanong ay mabibigyan ng mga kasagutan kapalit ng naitakdang halaga. Ayon sa Google mahigit sa limang daang ( 500) piling piling tagapagsaliksik ang hanndang sumagot sa mga katanungan. Ang pinakamababang halaga na maaaring itakda ay dalawa at kalahating dolyar. Kadalasan, dagdag pa ng Google, ay nasasagot ang mga ito sa loob ng dalawang araw o dalawamput apat na oras. Ginagarantiya ng Google ang mga kasagutang matanggap sa Google Answers.
Ang tagline ng Google Answer ay “Ask a question. Set your price. Get your answer.”
Ang computer ay isang gamit na nilagyan ng kaisipan na maihahalintulad sa bahagi ng kaisipan ng tao. Isa itong electronikang gamit na patuloy na pinaunlad upang matugunan ang yumayabong na sistering nasa bahagi ng selpon, kalkulator, laptop, ATM at iba pang kagamitan na napagsisilidan ng iba’t ibang inpormasyon.
Ang Laptop ay isang uri ng kumputer or kagamitan na maaring dalhin kahit saan dahil maliit lang ito at maaaring gamitin habang nakapatong sa hita.Maraming na itutulong ang laptop na ito lalo na sa mga mag—aaral na kagaya ko, marami rin nagagawa ang laptop katulad ng mga requirments at mga kailangan na inencode.
Ang printer ay ginagamit ito upang maimprenta o mailimbag sa papel ang mga dokumento o larawan mula sa kompyuter. Isang rin itong malaking tulong sa mga mag– aaral na kagaya ko kinakailangan para makatipid sa paggastos kapag may iprinta na project o mga larawan malaking ginhawa sa mga pamilya ng mga mag - aaral at maaring maging business nila ito lalo na ngayon na karamihan ay gumagamit sila ng modernong teknolohiya.
Ang kamera o kamara ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan. Ginagamitan ng potograpikong elektronik ang kamera para makalikha ng larawan ng isang bagay. Nililikha ang mga larawan na nakikita ng pelikula o ektroniks. Sa Ingles, tinatawag na still camera o "hindi gumagalaw na kamera" ang kamerang kumukuha ng isang larawan bawat isang ulit. Tinatawag namang movie camera o kamerang pampelikula ang kamerang kumukuha ng maraming mga larawan sa isang hanay. Tinagurian namang video kamera .Sa kapayakan, isang kahon ang lahat ng kamera na hindi napapasok ng liwanag hanggang sa makuha ang isang larawan. Mayroon butas sa isang gilid ng kamera kung saan makakapasok ang liwanag, at tinatawag itong apetura Sa kabilang gilid, naroon ang pilm sa isang pilm kamera o elektronikong sensor (elektronikong pandama) sa isang Bilang huli, mayroon ding isang shutter o pansara, na nagpapatigil sa pagpasok ng liwanag hanggang sa makuha ang isang litrato.Kapag nakuha na ang isang larawan o litrato, umaalis ang pansara. Sa pagtanggal na ito, pinapahintulutang makapasok ang liwanag sa apertura at magagawa ang isang larawan sa pilm o pandamang eletroniko.
Ang Projector ay ginagamit sa eskwelahan o sa opisina bilang tulong na mapabilis at maintindihan ng mabuti ang isang nasabing presentasyon. Ginagamit ito para ipakita ang mga larawan kasama ang mga impormasyong nais iparating patungkol sa nasabing presentasyon. Maaaring isang slideshow o mga videos. Maraming naitutulong nito sa mga mag– aaral , malaking tulong ito sa mga paaralan lalo na kapag may program o kailangang iexplain sa mga kabataan , making porsyento ay isang projector hindi mo na kailangan ng maraming gigawa para lng maintindihan ng mga mag– aaral.
Ang mga Larong Pinoy ay uri ng libangan na naimbento ng mga bata noon. Madalas nilalaro ito sa labas ng bahay o sa mga kalsada. Ito ay mga laro kung saan mas masaya kapag maraming manlalaro. Ang larong ito ang nag uugnay sa mga kabataan kahit sa umpisa ay hindi sila magkakaibigan o magkakakilala. Subalit, nakalulungkot malaman na sa kasalukuyan ay unti unti nang nawawala ang Larong Pinoy na ito dahil sa modernisasyon. Dulot ng modernisasyon ay mga larong masayang laruin nang mag-isa. Ang mga larong ito ay mas komportableng nilalaro sa bahay.Samakatuwid ay nawawala ang mga pagkakataon para sa mga bata na makipag-ugnayan sa ibang mga bata. Ang mga bata ngayon ay nakatutok na lamang sa ibat ibang gadgets katulad ng iPad, tablet, smartphones at iba pa. Sa kabila ng modernisasyon, may mga bata pa rin na naglalaro ng mga larong Pinoy kaso ito ay kakauntin na lamang .
Dapat maayos at mas detalyado na tinatalakay ang mga larong Pilipino at mga isyu na kasama nito para hindi mawala at makalimutan ang isang bahagi ng ating kasaysayan at kultura bilang Pilipino. Mabuti rin kung magkaroon pa ng iba pang mga workshop tulad nito upang mapadama ang saya o karanasang walang katulad at masayang ginugunita ng mga bata paglaki. Hindi lang iyon, maganda rin kunng lalo mabigyan ng diin ang kabutihan ng paglaro ng mga larong Pilipino sa mga kabataan para mapagtanto nila ang mga ito at gawin ito muli.
Upang magawa ang pagbigyang-diin na isinabi sa taas, maaring gumawa pa ng mas maraming programa ang departamento sa gobyerno sa pagpalaganap ng mga larong ito sa mga paaralan. Ang mga organisasyon gaya ng Department of Education at National Commission for Culture and the Arts ay maaring magtulungan upang maipadama ang mga larong ito sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas, upang maipareserba ang mga ito atmaranas ng kabataang Pilipino.
Comments
Post a Comment